Now Playing Tracks

It’s been months since I became alone. Knowing that those months was the hard days of my existence, time flew and here I am now.

I am okay. Enjoying my every seconds productively and meaningful. I can’t imagine my self passing through that scenarios in my life. But yeah, I made it. I will not say that I’m fully recovered (yeah, too much drama) but I am on the process. 80% moving on, 20% still care. Putting my mind on the other side gives me more choices to get through.


Ghie

Rakstar

This is my throwback blog about me, being in-love to a rock star matinee.

Circa 2011


Marami akong gustong isulat. Parang ang dami dami kong gustong sabihin sa lahat, at sayo. Pero pag aakto na ko ng pagsulat, nabablangko utak ko.

Siguro, wala lang talagang salita ang makakapagpaliwanag ng lahat. Wala din sa mga ito ang sagot sa lahat ng tanong na nagtatumbling sa utak ko. Alam mo kung bakit? Kasi ikaw lang ang pwedeng makasagot nito. Ang pwedeng makapagpaliwanag kung bakit, saan, kelan, at ano ba ang talagang nagawa kong mali sayo.

Para kang joke, kasi napasaya mo ko. Sa sandaling panahon, napagtuunan mo ko ng pansin. Pero ang joke, nagiging kj. At ang kj, tinapos ang kaligayahan ko.

Akala ko, imposibleng magkagusto ka sa akin. Pero sabi mo, gusto mo ko. Akala ko, imposibleng mahalin mo ako, pero sabi mo mahal mo ko. Akala ko, totoo mga sinabi mo, mali ako.

Alam mo ba yung nandyan ka, pero parang wala? Alam mo ba kung gano kasakit yun? Alam mo din ba na gumawa ako ng isang mabigat na desisyon, para sayo? Pinahalagahan mo ba? Hindi.

Isang relasyon ng dalawang tao. Isang sitwasyon kung saan walang ibang makakaalam nito. Sikreto.

Maling umpisa, mali din ang tapos nya. Maling pagkikita, maling pangyayari.

Minahal kita. At yan ang pinakamalaking mali sa lahat ng isusulat ko. Pero wala akong magagawa. Kasi nagsasabi lang ako ng totoo.

Gusto kitang makita. Gusto kita makasama.Gusto kita makausap.

Pero para saan? Ang laki ng oras na ginugol ko makalimutan ka lang. At nararamdaman kong dahil lang sa isang pagkikita, masasayang lang lahat.

Tama na-

titingnan nalang kita mula sa malayo pati gitara mo. Habang inaalala ang masakit pero masayang meron tayong dalawa. Yun naman kasi talaga dapat. Ang umiwas, kalimutan, at mabuhay para sa bukas.

Malungkot pero masaya. Bagong tao ka sa buhay ko. Salamat sa pagtuturo sa akin na maging matapang. Makuntento nalang tayo sa kung anong meron tayo.

April 17, 2014

After 10 days pumunta ulit ako sa kanila. Bakit? Ininvite ako ng mga tropa. I guess walang masama.

Ganun ulit ang eksena. Si Atoz si Yas at ako. Ako with the tropa sa baba at si Atoz and Yas sa taas.

It started with “sinong tao sa taas?” Hindi ko naman alam na nandun silang dalawa. Sabi agad ni DJ “nako gi, wag mo na balakin.” So, I got it. Natahimik ako for a while. Isip ng malalim. Tingin sa malayo. May kurot sa dibdib pero unlike before. Sabi ko sa sarili ko, dapat hindi na ko magpaapekto kasi tapos na yung sa amin.

Sa ganung eksena, ramdam ko na nanalo ang utak ko laban sa puso. Seriously. Kailangan masanay na ko. I know, hindi ito huli na magkikita kita kaming tatlo and I have to be strong hanggang sa wala nalang talaga sa akin kung makita ko man sila.

Maya maya umalis narin si Yas, hinatid siya ni Atoz. Hindi ko mapigilan malungkot. Hindi ko alam kung bakit. But my mind keeps telling me that I need to enjoy this day. So, dedma na ulit.

I know it’s weird but I want to be friends with them knowing that it’s pretty impossible. Bago tong sitwasyon na to sa buhay ko.

When you set your mind into something makes sense, malalaman mo na ang tanga mo. Kasi nagsasayang ka ng oras at panahon sa mga bagay na hindi mahalaga.

We had boodle fight and it’s a miracle because he joined. It’s been a while since I heard his jokes and banat.


Love,
Gie

Rak pa!

April 7,2014
Ang pinaka-tanga, pinaka-masakit at pinaka ewan na araw sa buong buhay ko.


Pumunta ako sa kanila.

Oo kahit wala na kami pumupunta pa din ako sa kanila. Kahit hindi kami nagpapansinan as in, nandun buong pamilya niya. Welcome pa din ako sa kanilang lahat. Pag sinabi ko bang hindi siya ang pinunta ko dun maniniwala ka? Syempre hindi. Ako din eh!

Nandun din si Yasmeen. Sino si Yasmeen? Ex niya bago ako. 4 years sila. Alam kong pupunta si Yas dun, pero dahil matigas ang ulo ko pumunta pa din ako. Pumunta ako kahit alam kong magiging ganito ako after. Miss ko narin kasi si Atoz. Alam mo yung feeling na tangina kahit ano pa yan makita ko lang siya! Ganun ang peg. Habang nakikita ko silang dalawa na naguusap sa malayo, walang makakapagpaliwanag ng nararamdaman ko. Wala. Kahit sino. Wala.

Nakakatuwang makita si Atoz na masaya. Wala akong ibang gusto kundi makita ko siyang masaya. And this time, alam ko hindi dahil sa akin kaya siya masaya.

Hindi naman ako pinabayaan ng pamilya niya na ma-out of place nung mga oras na yun. Nakakataba ng puso. Pero wala eh, ibang sakit yung naramdaman ko. Gusto ko nalang bigla mamatay nung mga oras na yun. Gusto ko umiyak. Pero ayokong makita nila ako.


Sa buong buhay ko ngayon ko lang naramdaman lahat ng to. Ngayon lang ako naging sobrang tangang bobo at nagawa ko to. Bakit ang tigas ng ulo ko?

Siguro kasi, mahal ko talaga siya. Kaya araw araw akong tanga, minuminuto akong bobo at bawat segundo akong manhid. Shit.


Nag-message si tita (mama niya) sa akin pag uwi ko. At nag-usap kami. Kahit 6 months lang kami ni Atoz, naging pamilya ko na rin ang pamilya niya at naging barkada lahat ng barkada niya. Yung paguusap namin ni tita sa facebook ang isa sa pinaka-masakit na paalam sa lahat. Akala ko wala ng makakaintindi sa nararamdaman ko pero naintindihan ako ni tita. Naramdaman niya yung sakit at panlulumong naramdaman ko nung mga oras na yun.


Ganun yata talaga ang buhay eh. Hahahaha! Nakakapagod pero pahinga lang kaunti tapos rak na ulit!

Process

Hindi naman siya nawala sa akin eh. Everyday, naiisip ko siya. Lahat ng mga bonding namin.Nahihirapan ako kasi ako din ang nagpaoahirap sa sarili ko.

When you’re happy with some person or things, ofcourse you don’t want to forget.

Masyadong naging malalim ang lahat ng bagay para sa akin. Unti unti tinatanggap ko lahat. Kasi wala akong choice kundi ituloy ang buhay ko ng wala siya.

Sabi ko kaya ko ginawa yung desisyon na yun ay dahil pagod na ko.

I may not lose hope but I’m still praying that everything will be fine. I still have questions inside me but I know God will provide the answers.

I’m still processing things in my brain and I just can’t erase every moment that we’re together. Because I dont want to.

Makaka-moved on naman siguro ang isang tao ng hindi kailangan kalimutan ang mga bagay bagay,diba?

Wag na TANGA.

Ang relationship, tag team yan. Hindi pwedeng isa lang ang lumalaban. Hindi pwedeng isa lang ang nagmamahal.

Hindi pwede yung iiwan mo kung kelan mo gusto, at babalikan mo pag namimiss mo.

Itutulak mo palayo tapos hahatakin mo pabalik sabay ilalaglag mo. Hahahaha! Gago!

Ang love, masakit yan. Sa una lang masaya. Unti unting lalamon sa pagkatao mo at sisira sa sistemang matagal mong pinatakbo. Sa isang iglap, maglalaho. Sa isang iglap lahat guguho.

Paano magmahal ng tama lang? Pag binigay mo lahat, kawawa ka. Pag nagtira ka, sasabihin may pagkukulang ka. Walang tamang pagmamahal. Lahat nakakasakal, lahat parang walang pakialam.

Iikot ang mundo mo sakanya. Wala kang magagawa kasi masaya ka. Hanggang sa wala ka ng ibang napapansin kundi siya. Unti unting palayo. Unti unting nauubos lahat ng meron kayo.

Sa huli, ikaw pa na inosente ang may kasalanan. Ikaw pa ang sisisihin sa mga bagay na wala ka namang kinalaman.Masaya ka ba kasi nagmukha akong tanga? O masaya ka kasi sumuko na ko at ayoko na sayo?

To Tumblr, Love Pixel Union